Naitalang kaso ng COVID-19 nitong nakalipas na linggo, umabot sa higit 27,000

Umabot sa 27,331 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa nitong nakalipas na linggo lamang.

Ayon sa Department of Health, ang arawang kaso ng COVID-19 infection mula Agosto 1 hanggang 7, ay umabot sa 3,904, mas mataas ng 13% kumpara sa naitala noong nakaraang linggo.

Nakapagtala naman ng 76 na bagong kaso ng severe at kritikal na COVID-19.

May 80 namang bagong nasawi, 8 rito ay ngayong Agosto, 24 noong Hulyo, 5 noong Marso, 7 noong Pebrero, 4 noong Enero ng taong ito, at ang iba ay noong 2021.

Madelyn Villar-Moratillo

Please follow and like us: