Naka-schedule na back-channel talks ng gobyerno sa CPP-NPA-NDF, hindi na matutuloy – OPAPP

 

Tuluyan nang kinansela ng gobyerno sa pamamagitan ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process ang naka-schedule sanang back-channel talks sa CPP-NPA-NDF.

Ayon kay Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza, ginawa ang kanselasyon ng back-channel talks kasunod ng mga pinakahuling pag-atake ngNPA sa tropa ng gobyerno.

Giit ni Dureza, isasagawa sana ang back-channel talks sa NDF sa Europe sa July 21 hanggang 22 pero hindi na muna ito matutuloy.

Inihayag ni Dureza na mahalaga ang tunay na sitwasyon sa ground para sana sa pag-usad ng usapang pangkapayapaan na mistulang nanatiling mailap sa ngayon dahil sa mga pag-atake ng NPA.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *