Nasa labingwalong libong (18,000) mga Senior Citizen, pagkakalooban ng libreng bigas ng Silang Municipal Gov’t.

Magkakaloob ang Lokal na Pamahalaan ng Silang Cavite ng libreng bigas para sa labingwalong libong mga senior citizen sa may animnaput-apat na barangay sa kanilang bayan. 


Ang proyektong ito ng Municipal Govt ng Silang ay bilang paggunita ng bayan sa pagdiriwang ng Senior Citizens Month ngayong Oktubre. 


Ayon kay Silang Cavite Mayor Corie Poblete, hintayin lamang umano ang abiso mula sa kanila kung kailan bibisita sa mga barangay ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan para sa distribusyon ng bigas.


Tiniyak naman ng alkalde na lahat ng Senior Citizen sa kanilang bayan ay mabibigyan ng libreng bigas.

Ulat ni Jet Hilario

photo credits: Mayor Corie Poblete
Please follow and like us: