Nasaan ang Pangulo?

Si Pangulong Duterte habang kumakain ng hapunan ngayong gabi kasama ang pamilya.

photo courtesy: Sen. Bong Go

Nagpalabas ng isang larawan ang Malacanang upang patunayan kung nasaan si Pangulong Duterte ngayong gabi.

Ito’y dahil na rin sa mga kumakalat na usapan sa social media na nangibang bansa umano ang Pangulo upang magpagamot ng karamdaman.

Nauna na itong pinabulaanan sa isang panayam ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Sa larawan namang ito ni Senador Bong Go na dating Special Assistant to the President, makikita si Pangulong Duterte na naka-kamay na kumakain ng hapunan kasama ang kanyang pamilya sa Davao City.

Mapapansing hawak ni Honeylet Avanceña ang isang kopya ng pahayagan na nagpapatunay na kuha ang larawan ngayong araw na ito.

Please follow and like us: