Nasirang pipeline ng Maynilad, naayos na!

Natapos na ng Maynilad ang pagkumpuni sa nasirang pipeline sa Ramon Magsaysay Ave. sa Sta. Mesa, Maynila.

Sa kanilang pahayag, naayos ang primary line bandang alas 3:40 ng hapon, bumalik na sa normal ang water supply ng ilang apektadong lugar pasado alas kwatro ng hapon. Patuloy naman ang delivery ng water tanks sa Southern area hanggang sa bumalik ang water pressure.

Naging sanhi ng pagbaha sa Sampaloc, Manila ang nasirang pipeline ng Maynilad.

Please follow and like us: