100 Repatriated OFWs mula Abu Dhabi, sinalubong ni DFA sec. Cayetano

Sinalubong ni Department of Foreign Affairs secretary Allan Peter Cayetano ang mga umuwing mga OFW mula sa Abu Dhabi kahapon.

Nasa 100 mga OFW’s ang dumating sa NAIA Terminal 1 kahapon, eksaktong alas 9:30 ng umaga.

Ilan lamang sila sa mga undocumented, overstaying na mga OFW gayundin ang mga nakatakas lamang sa kanilang mga mapang- abusong employer, at mga nagkaroon ng iba’t- ibang mga uri ng problema.

Nagpapasalamat naman si Sec. Cayetano sa pagdating ng mga OFW  dahil sa ligtas ang mga ito.

Lubos naman ang pagpapasalamat ng mga nasabing OFW sa tulong na ibinigay sa kanila ng pamahalaan upang muling makauwi sa bansa gayundin sa kani- kanilang mga pamilya..

Sa kabuuan, aabot na sa 600 OFW ang nakauwi na simula nang ipatupad ang maramihang repatriation sa Abu Dhabi.

 

Ulat ni Earlo Bringas

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *