12 koreanong wanted sa online business scam arestado ng Bureau of Immigration

Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang 12 koreano na wanted sa kanilang bansa dahil sa online business scam.

Sinabi ni Immigration Commissioner Jaime Morente nadakip ng mga BI Intelligence operatives ang mga banyaga sa isang condominium building sa Lungsod ng Makati.

Kinilala ang mga inarestong South Korean  na sina Noh Heamin, Park Jeongho, Kim Sun Jang, Lee Hyanglim, Yoon Daseul, Kim Sunghoon, Jeong Miseon, Park Mingyu, Park Youngju, Park Hyunmyeung, Park Chanju, at Lee Hyunho.

Modus operandi aniya ng nasabing grupo na maghimok ng mga kapwa Koreano na mag-invest sa mga peke o bogus na real estate project sa Pilipinas.

Ayon kay Morente, humingi ng tulong ang South Korean embassy sa BI para mahuli at mapadeport pabalik ng kanilang bansa ang 12 at harapin ang kaso nilang large scale fraud.

Sumasailalim na ang mga pugante sa deportation proceedings at sa oras na iutos ang summary deportation sa mga ito ay ilalagay na sila sa blacklist ng BI para hindi na muling makabalik sa Pilipinas.

Ulat ni: Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *