31 bihag ng BIFF nakalaya na

Nakalaya na sa kamay ng mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ang 31 sibilyan na una nang binihag ng mga ito sa kanilang pagsalakay sa Bayan ng Pigkawayan, North Cotabato.

Kinumpirma ni 6th Infantry Division Spokesman Capt. Arvin Encinas na nakalaya ang mga residente  alas 6:00 kagabi.

Ang mga residente ay naipit makaraang pasukin ng BIFF ang Malagkit Elementary School at detachment ng Barangay peacekeeper action team sa Bayan ng Pigkawayan.

Paliwanag ni Encinas, habang papalapit ang tropa ng militar sa eskwelahan, humanap ng tyempo ang mga miyenbro ng BIFF at tuluyang umatras at iniwan na lamang ang mga hostage.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *