50,000 manok ipinamimigay na lamang sa Candaba, Pampanga

Ipinamimigay na lang ng may-ari ng isang fowl farm sa Candaba, Pampanga, ang mahigit-kumulang 50,000 na manok kaysa ibenta ang mga ito.

Laking tuwa naman ng mga residente ng Candaba sa pagtanggap ng mga libreng manok.

Ayon sa may-ari ng farm, mas mabuti na lamang na ipamahagi ang mga manok kaysa ibenta nila at malugi dahil binabarat sila.

Mas mabuti na lang namakinabang ang mga residente dito.

Samantala, umaabot  naman  ng P3 milyon ang nalulugi ng fowl industry kada araw.

Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Candaba na ligtas kainin ang manok na ipamimigay sa mga residente.

Ulat ni: Lynn Shayne  Fetizanan

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *