51 Degrees Celsius Heat index, naitala sa Nueva Ecija kahapon

 

Umabot sa 51 degrees celsius ang Heat index o nararamdamang init ng temperatura sa Cabanatuan, Nueva Ecija kahapon, April 17.

Ayon sa Pag-Asa, ito na ang pinakamainit na temperaturang kanilang naitala ngayong taon.

Dahil dito, nagpaalala ang mga otoridad na palagiang uminom ng tubig, dahil mataas ang tiyansang makaranas ng heat stroke ang mga tao, dahil sa tindi ng init ng panahon.

Bukod pa ito sa iba pang mga sakit na posibleng dumapo sa mga mamamayan dahil sa mainit at maalinsangang temperatura sa bansa.

 

================

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *