Address to the Nation ni Pangulong Duterte may kinalaman sa isyung kinakaharap ng administrasyon ayon sa Malacañang

Ipinahiwatig ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go na may kinalaman sa isyung kinakaharap ng administrasyon ang magiging tema ng Address to the Nation ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Secretary Bong Go na wala siyang karapatan para idetalye ang magiging laman ng mensahe ng pangulo sa sambayanang pilipino.

Ayon kay Bong Go hintayin na lamang at abangan ng sambayanan ang magiging laman ng Address to the Nation ng pangulo.

Kabilang sa mga isyung kinakaharap ng duterte administration ay may kinalaman sa pagpapawalang bisa sa amnesty ni Senador Antonio Trillanes, distabilization plot laban sa gobyerno at ang inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *