Aktor na si Richard Gutierrez at production firm nito, sinampahan ng BIR ng tax evasion case sa DOJ

Dalawang counts ng reklamong tax evasion ang  isinampa ng BIR sa DOJ laban sa aktor na si Richard Gutierrez at sa production company nito  dahil sa mga  hindi binayarang buwis noong 2012.

Ayon sa BIR, ang kaso laban sa aktor at sa kumpanya nito na R.Gutz Production Corporation ay bunsod ng kabiguan nito na magbayad ng income tax at value-added tax noong 2012.

Batay sa imbestigasyon ng BIR, kumita ang production company ng halos 40 million pesos pero mahigit 311 thousand pesos lang ang idineklara nito sa ITR noong 2012.

Bukod dito, nabatid din ng BIR na hindi naghain ng ITR at  2nd hanggang 4th quarter na value-added returns noon ding 2012 ang  R.Gutz  production.

Dahil dito kabuuang 38.57 million pesos na tax liability na hinahabol na buwis ng BIR kay Gutierrez at sa production company nito.

Sinabi ng BIR na tatlong beses nila pinadalhan ng notice ukol sa kanilang imbestigasyon ang aktor simula pa noong 2014 pero hindi ito tumugon kaya nagsampa na sila ng reklamo sa DOJ.

Ulat ni: Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *