Ambassador ng Israel sa Pilipinas, lumahok sa Brigada Eskwela ng DEPED

Lumahok sa huling araw ng Brigada Eskwela ang embahador ng Israel sa Pilipinas na si Ambassador Ephrahim Ben Matityau sa Makati High School.

Isa si Matityau sa mga magulang na lumahok sa pagpipintura ng blackboard, mga upuan at pagkakabit ng white board.

Ayon sa embahador, ang Makati ang napili ng Israel para sa adopt a school program ng Department of Education dahil araw-araw niya halos itong nadaraanan papuntang embahada.

Sa ngayon, sapat ang mga upuan at mga silid aralan para sa tatlong libo at limandaang mga estudyante na papasok sa  nasabing paaralan sa June 5.

Ulat ni: Mean Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *