Amerikanong wanted dahil sa kasong child pornography, arestado ng BI sa Batangas

Nadakip ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang isang amerikanong matagal nang wanted sa Texas dahil child pornography.

Sinabi ni Immigration Commissioner Jaime Morente  na naaresto ang pedophile na si Christopher Wayne Walker, sisentay anyos  sa bahay nito sa Brgy. Darasa, Tanauan City, Batangas.

May mga warrant of arrest na inisyu ang mga Korte  sa Burnet county at Bend county sa Texas laban kay Walker  dahil sa kasong child pornography.

Pansamantala siyang nakakulong sa BI detention facility sa Camp Bagong Diwa sa Taguig.

Nag-isyu na rin ang Board of Commissioners ng Immigration ng summary deportation order laban kay Walker.

Kaugnay nito inilagay na ang amerikano sa Immigration blacklist para di na makabalik ng Pilipinas.

Ulat ni: Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *