Anak ng dating mahistrado ng SC ang napili ni CJ Sereno na maging tagapagsalita niya kaugnay sa depensa sa impeachment case laban sa kanya

Isang anak ng dating mahistrado ng Korte Suprema ang napili ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno na maging tagapagsalita niya kaugnay sa depensa sa impeachment case laban sa kanya.

Ito ay si Atty. Carlo Cruz na anak ng pumanaw na si dating Supreme Court Justice Isagani Cruz.

Ayon kay Cruz, pro bono o walang bayad ang serbisyo niya kay Sereno.

Si Cruz ay nagtapos noong 1982 bilang cum laude sa San Beda College of Law.

Sumulat din siya ng ilang libro sa abogasya.

Nagturo rin si Cruz sa mga Law school gaya ng UST faculty of Civil Law, San Beda College of Law at UP College of Law.

Ulat ni: Moira Encina

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *