Baculin, Davao Oriental, niyanig ng magnitude 3.9 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.9 na lindol ang bayan ng Baculin, Baganga sa Davao Oriental.

Ang pagyanig ay naganap kaninang ala-1:15 ng madaling-araw.

Naitala ang epicenter nito sa 33 kilometro ng Hilaga ng Baculin.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs, 40 kilometro ang lalim ng lindol at tectonic ang pinagmulan.

Samantala, magnitude 4.0 naman ang tumamang lindol sa Sarangani, Davao Oriental.

Naitala ang pagyanig sa 362 kilometrong Timog ng Sarangani alas-11:34 ng gabi.

 

=============

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *