Bagong DOTr Spokesperson, tiniyak na magsisilbing bibig at tenga ng taumbayan

Tiniyak ni Atty. Mark Tolentino na magsisilbi siyang tenga at bibig ng taumbayan sa sandaling pormal na siyang maitala bilang bagong tagapagsalita ng Department of Transportation o DOTr.

Ayon kay Tolentino, maipaparating niya sa pangasiwaan ng kagawaran ang mga problemang kinakaharap ng publiko sa araw-araw gaya ng problema sa transportasyon, MRT at trapiko.

“Kailangang mailapit ang sektor ng transportasyon sa taumbayan at mabigyan ang publiko ng tamang impormasyon sa mga ginagawang solusyon ng DOTr at kung may mga reklamo tungkol sa mga taxi driver na nangongotong, mabilis na mabibigyan ng aksyon”- DOTr Assistant Secretary Atty. Mark Tolentino.

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *