Banggaan ng kamara at senado pinangambahan dahil sa mga tinapyas na pondo sa 2019 national budget

Pinangangambahan ngayon ang banggaan sa pagitan ng kamara at senado dahil sa mga tinapyas na pondo sa pinagtibay na 3,7 trillion proposed national budget ngayong taon.

Tinapyas kasi ng senado ang 75 billion budget na isiningit sa budget ng Department of Public Works and Highways. .

Ibinigay rin ng senado ang 16.8 billion na hinihinging pondo ng Department of Health para tustusan ang health facilities enhancement program

Ayon kay Senador Loren Legarda Chairman ng Senate Committee on Finance bukod pa rito ang karagdagang 4.8 billion na pondo para sa dagdag sweldo ng mga peesonnel na wala inaprubahang bersyon ng kamara.

Kasama rin sa ipinasok na amyenda ng senado 10.billion pesos na pondo para sa rice tarrification bill.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *