Bilang ng mga nasawi sa nagpapatuloy na bakbakan sa Marawi City, patuloy na nadaragdagan

Nadagdagan na naman ang bilang ng mga nasawi sa nagpapatuloy na bakbakan sa Marawi City.

Ayon kay Joint Task Force Marawi Spokesperson Lt. Col. Jo-ar Herrera umabot na sa 405 ang nasawi sa mga kalaban.

Sa panig naman ng tropa ng pamahalaan, nasa 97 na ang bilang ng mga nasawi.

Nananatili naman sa 45 ang bilang ng mga nasawing sibilyan at mayroon nang 1,753 ang nailigtas.

Ayon kay Herrera, patuloy ang pagsasagawa ng clearing operations ng militar sa mga lugar na kinubkob ng Maute group sa Marawi City.

Malaking bahagi na aniya ng mga lugar na ito ang nabawi na ng militar.

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *