BIR, nakikipag-negosasyon na sa kampo ni Pacman kaugnay sa tax evasion case ng Senador

Nakikipag-usap na ang Bureau of Internal Revenue kay boxing champion at Senador Manny Pacquiao para sa posibleng compromise settlement kaugnay sa kanyang nakabinbing 2.2 billion peso tax evasion case.

Ayon kay BIR Commissioner Caesar Dulay, nakausap na niya ang mga abogado ni Pacquiao noong Marso para makipag-negosasyon para sa posibleng compromise agreement.

Gayunman, wala aniyang napag-usapang halaga para sa kasunduan lalo’t nasa unang bahagi pa ng  negosasyon.

Dagdag ni Dulay, hinihintay lamang niya ang pagbabalik ng mga abogado ni Pacman para sa ikalawang sigwada ng negosasyon sa alok na settlement.

Magugunitang nagsampa ng tax evasion case si dating BIR Commissioner Kim Henares laban sa pambansang kamao dahil sa kabiguan umano nitong magbayad ng 2.2 billion peso tax mula sa kanyang mga laban sa Amerika noong 2008 hanggang 2009.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *