Biyahe ni Pangulong Duterte sa Russia kasado na ayon sa Malakanyang

Kasado na ang kauna-unahang official visit ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Russia sa susunod na Linggo.

Sa Press briefing sa Malacanang, idinetalye ni DFA Assistant Secretary Marie Cleofe Natividad ang magiging busy schedulde ng Pangulo kung saan muling makakaharap nito si Russian President Vladimir Putin at Russian Prime Minister Dimitry Medvedev.

Naka-schedule ang biyahe ng Pangulo mula Mayo a-22 hanggang a-26.

Ayon sa DFA maituturing na isang landmark visit ang biyahe ng Pangulo sa Russia batay na rin sa imbitasyon ni President Putin.

Inaasahang magkikita ang dalawa sa Mayo a-25 para sa bilateral talks na layong palakasin ang relasyon ng dalawang bansa.

Lalagdaan ng dalawang lider ang ilang mahalagang kasunduan gaya ng military defense agreement.

Haharapin din ng Pangulo ang Filipino community sa Moscow.

Ayon kay Asec. Natividad, bahagi pa rin ito ng Independent  foreign policy ng Duterte administration.

Ulat ni: Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *