Burol ng dalawang nasawing sundalo sa Marawi City, binisita ni Pangulong Duterte

Dumalaw si Pangulong Rodrigo Duterte sa burol ng dalawang sundalong nasawi sa Marawi City.

Pasado alas-onse kagabi nang dumating ang pangulo sa mortuary ng Libingan ng mga Bayani sa Taguig City mula sa kaniyang flight galing Davao City.

Personal na nakiramay ang pnagulo sa pamilya at mga naulila nina Captain Rommel Sandoval at Private First Class Sherwin Marco Canapi na kapwa nasawi matapos makasagupa ang ilang miyembro ng Maute group habang nagsasagawa ng clearing operations sa Barangay Sangcay Dansalan.

Kasabay ng kaniyang pagdalaw ay ginawaran rin ng Pangulo sina Sandoval at Canapi ng posthumous order of Lapu-Lapu medal, rank of Kalasag.

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *