Chief Justice Sereno hinimok ang mga empleyado ng korte suprema na ipamalita ang mga reporma sa hudikatura

Nanawagan si Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa mga kawani ng Korte Suprema na ipamalita sa publiko ang mga repormang ipinatutupad mg hudikatura para mapabilis ang trial system sa bansa at mapaunlad ang kapakanan ng mga empleyado nito.

Sa talumpati ni Sereno sa holiday gathering ng mga SC employees Ipinagmalaki nito ang mga
achievement ng hudikatura simula nang sya ay maupo bilang punong mahistrado noong 2012.

Ibinida ni Sereno ang paglulunsad ng ilan sa kanilang mga nasimulang reporma gaya ng electronic courts o eCourts at Automated Hearing, at ang implementasyon ng continuous trial sa mga criminal courts.

Ayon kay Sereno, dapat ikwento ng mga kawani ng Korte Suprema ang mga nasabing reporma para maipagmalaki sila ng taumbayan.

Inihayag pa ni Sereno na ang hudikatura ay isang pamilya na patuloy na inaalala at inaalagaan ang pangangailangan ng bawat isa.

Umaasa naman si Sereno na sumunod sa yapak ng Supreme Court ang mga piskal, defense lawyers at Integrated Bar of the Philippines.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *