CHR Chairman Chito Gascon, sinisi ni Pang. Duterte sa ₱1,000 budget ng komisyon

Kay Commission on Human Rights Chairman Chito Gascon isinisi ni Pangulong Rodrigo Duterte kung bakit binigyan lamang ng P1,000 budget ng House of Representatives ang CHR.

Ayon sa Pangulo matalim aniyang magsalita si Gascon na ikinagalit ng mga mambabatas.

Masyado rin aniya ang pangingialam ni Gascon sa mga imbestigasyon ng PNP sa mga patayan sa bansa.

Inakusahan nito ang CHR Chairman na isang “dilawan” ang political color ng dating administrasyon.

Sa huli, tiniyak ng Pangulo na kanilang pag-aaralan ang naging desisyon ng mga mambabatas sa pag-apruba ng P1,000 budget ng CHR sa 2018.

 

 

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *