Clearing operation sa Metro Manila, tuloy ayon SA MMDA
Tiniyak ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ipagpapatuloy nila ang isinasagawang clearing operation sa mga heavily congested areas sa Metro Manila.
Sinabi ni MMDA General Manager Tim Orbos, layunin nito na mapaganda ang daloy ng trapiko sa Balintawak, Cubao, Quiapo, Alabang, Monumento at Divisoria.
Nagsasagawa rin ang MMDA ng pag tow at pag-impound ng mga illegally-parked vehicle sa mga service road sa C. Rivera Street sa Baclaran hangang sa EDSA.
Ayon kay Orbos itutuloy nila ito hanggang sa Roxas Boulevard sa Maynila.
Umaasa si Orbos na magtutuloy-tuloy na ang clearing operation ng MMDA sa major roads at inner streets sa Metro Manila.
Ulat ni: Carl Marx Bernardo
Please follow and like us: