Dalawang magkasunod na pagsabog sa Quiapo noong Sabado hindi gawa ng terorista ayon sa PNP

Nanindigan ang Manila Police District Homicide Section na hindi terorismo ang dalawang nangyaring pagsabog noong Sabado ng gabi sa Quiapo, Maynila.

Ayon kay PO3 Ryan Balagtas, kinilala na ang Grab cab driver na may dala umano ng package na nag­lalaman ng bomba .

Pero tumanggi muna itong ibigay ang pagkakakilanlan nito dahil isasailalim pa sa  imbestigasyon ang ‘Grab express rider’ para matukoy kung sino ang nagpadala ng ‘package’.

Una nang sinabi ni NCRPO Chief General  Oscar Albayalde na ang ‘package’ ay pinick-up lamang ng grab rider sa SM Manila para i-deliver kay Atty. Nasser Abinal na  isang IMAM.

Umamin din ang naturang abogado na nakakatanggap  siya ng  death threat.

Batay sa hawak na testigo ng MPD-HS, tatlong beses pa na nagtanong ang grab driver kung nasaan si Abinal.

Lumalabas na tinanggap ng caretaker na si Mohammad Abinga ang package at kanya itong ibinalik sa Grab driver para ibalik naman sa nagpadala nito dahil nakakatanggap na ng death threat si Abinal.

Subalit  hindi pa man naibabalik ng rider sa motor ang package ng bigla na itong sumabog.

Sa isinagawang imbestigasyon ng MPD sa mga pinangyarihan ng pagsabog na lugar: una ay sa Globo De Oro at Palanca Street dakong 5:55 ng hapon, at ang pangalawa ay sa Elizondo Street 8:25 ng gabi.

Tiniyak naman ng mga otoridad na ang nasawing grab driver ay biktima rin sa naganap na pagsabog at hindi maituturing na suspek.

Pasado alas-11 na ng umaga kahapon nang maialis ang dalawang bangkay sa pinangyarihan ng insidente bago dinala sa morge.

Anim naman ang kumpirmadong sugatan kabilang din ang dalawang pulis-Maynila.

Ulat ni: Earlo Bringas

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *