Daraga, Albay, hiniling na isailalim sa kontrol ng Comelec

Umapila si Kabayan partylist Rep. Ron Salo  na maisailalim na sa control ng Comelec ang bayan ng Daraga sa Albay.

Kasunod ito ng pagtukoy ng PNP kay Daraga mayor Carlwyn Baldo bilang mastermind umano sa pagpatay kay Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe at police escort nito.

Partikular ang apila ni Salo sa Department of Interior and Local Government (DILG) dilg at Philippine National Police (PNP) na maghain ng urgent petition sa Comelec para maisailalim sa control nito ang daraga hanggang sa may maitalaga ng bagong alkalde roon at makaupo na ito sa puwesto.

Bagamat inosente pang maituturing hanggang sa mapatunayang guilty sa Korte ang kasalukuyang mayor ng Daraga, dapat ayon kay Salo na kumilos ang Comelec.

Ito ay upang mapanatili pa rin aniya ang integridad ng gagawing halalan sa nasabing bayan sa Mayo.

 

Ulat ni Madz Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *