Dating Comelec Chairman Andres Bautista , ipinaaresto na ng senado

Maglalabas na ng warrant of arrest ang senado para ipaaresto si dating Comelec Chairman Andres Bautista.

Pinatawan ng contempt ng senado si Bautista dahil sa tatlong beses na pang iisnab sa imbestigasyon ng senado sa kinukwestyong ill gotten wealth nito.

Hindi tinanggap ng chairman ng committee on banks na si Senador Francis Escudero ang paliwanag ni Bautista sa pamamagitan ng kaniyang sulat na naghahanap ito ng trabaho at medical assistance sa abroad.

Nagsinungaling aniya ito nang sabihing nov 21, 2017 sya umalis ng bansa at niloloko lang nito ang senado nang sabihing sya ay nasa abroad.

Batay kasi aniya sa records ng Bureau of Immigration, lumabas ito ng Pilipinas noong october 2017 at umuwi ito sa bansa galing ng Singapore noong November 1 2017.

Wala pang records ang immigration kung muli itong lumabas ng bansa kaya posibleng nagtatago lang ito sa Pilipinas

Sinabi ni Escudero babawiin lang ng senado ang arrest order laban kay Bautista kung mag iisyu ito ng waiver para mabuksan ang kaniyang mga kinukwestyong bank accounts.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *