Dating Makati Mayor “Junjun” Binay Jr. iginiit sa Sandiganbayan na walang basehan ang mga kasong isinampa laban sa kanya

Muling iginiit ni dating Makati Mayor Jejomar “Junjun” Binay Jr. na hindi ito sangkot sa umano’y overpriced construction ng Makati parking building.

Sa kanyang 32-pahinang mosyon na inihain sa Sandiganbayan , hiniling ni Binay Jr. sa anti-graft court Third Division na muling ikonsidera ang April 18 ruling  nito na nagsasabing  mayroong probable cause laban sa dating alkalde para sa graft at falsification of public documents.

Sa resolusyon, naniniwala ang korte na may probable cause sa mga kasong isinampa kay Binay at napatunayan na may elements ng falsification at graft sa kanyang mga kaso.

Pero ayon kay Junjun walang matibay na basehan ang mga paratang na kasabwat siya sa umano’y lutong bidding process.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *