Dating miyembro ng MILF at tyuhin, arestado sa buybust operation ng QCPD.

Arestado sa buy bust operation ng Batasan police station ng Quezon City Police District ang isang dating myembro ng MILF at tyuhin nito sa Luzon Ave, Brgy Old Balara sa QC.

Nakilala ang mga suspek na sina Kasle Manap alyas Castro na tubong Cotabato at tyuhin na si Ibrahim Usman.

Ayong kay QCPD Director Police Chief Supt.Joselito Esquivel, bandang alas singko ng hapon kahapon nang isagawa ang transaksyon sa harap ng grocery store sa Luzon Avenue kung saan nakabili ng limampung libong pisong halaga ng shabu ang poseur buyer.

Dito na inaresto ang mga suspek at nabawi sa kanila ang 25 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng isangdaan at dalawampung libong piso at ang buybust money.

Nabawi rin ang ilang id ng suspek na si Manap kasama na ang training id nito nang sumailalim sya sa basic weapon training ng MILF.

Ayon kay Esquivel.matagal na ring nilang minomonitor ang mga suspek na umanoy suplier ng shabu sa Barangay Culiat at Old Balara.

Lumabas din sa imbestigasyon ng QCPD na ang may standing warrant of arrest sa kasong ilegal drugs ang suspek na si Usman sa CaOtabato City noon pang 2016

Sasampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa sec.5 at sec.11 ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Ulat ni Mar Gabriel

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *