Dating Pangulo Aquino idinepensa ang paggamit ng savings sa pagbili ng dengue vaccine

Dumepensa si dating Pangulong Benigno Aquino III sa paggamit ng
savings ng gobyerno para bumili ng kontrobersyal na anti dengue
vaccine na dengvaxia.

Inamin ni Aquino na inaprubahan nya ang paggamit ng unutilized funds
noong 2015 dahil nakatakda nang mag expire ang savings pagsapit ng
December 31.

Saying aniya kung mapupunta lamang ito sa national treasury gayong
maari naman itong magamit sa iba pang pangangailangan ng gobyerno.

Mas matagal na proseso aniya kung dudulog pa sya sa kongreso para
humingi ng supplemental funds para tustusan ang bakuna na
nagkakahalaga ng 3.5 billion pesos.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *