Dating Sen. Jinggoy Estrada hiniling sa Sandiganbayan na payagan siyang makapanatili ng 2 araw sa ospital

Hiniling ni dating Sen. Jinggoy Estrada sa Sandiganbayan na payagan siyang makalabas ng PNP Detention Center at makapanatili ng dalawang araw sa ospital.

Sa dalawang pahinang mosyon na inihain ni Estrada, hiniling nito na payagan siya ng Korte na makapunta sa Cardinal Santos Medical Center para sumailalim sa medical procedure.

Nakasaad pa sa mosyon na una ng sinuri si Estrada ng kanyang doktor sa loob ng detention facility at nakita batay sa kanyang blood test na dapat siyang sumailalim  sa video colonoscopy procedure.

Sinabi pa sa mosyon na bagaman kalahating oras hanggang isang oras ang maaaring itagal ng nasabing procedure, kailangan naman ng isang araw na preparasyon para rito.

Si Estrada ay nakulong dahil sa kinakaharap na kasong graft at plunder kaugnay ng pork barrel scam.

Ulat ni: Madelyn Villar – Moratillo

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *