Davao group na nag ooperate sa BOC hiniling na ipatawag sa imbestigasyon ng Senado

Hiniling na ni Senador Antonio Trillanes sa Senate Blue Ribbon Committee na ipatawag sa imbestigasyon ng Senado ang isang Small Abellera , isa sa umano’y miyembro ng Davao group na nag-ooperate sa Bureau of Customs.

Si Abellera ay isa sa mga pinangalanan ng Customs broker na si Mark Taguba na umano’y isa sa mga tumulong para mai-facilitate ang pagpasok ng mahigit animnaraang kilo ng shabu sa Customs.

Nais makatiyak ni Trillanes kung ang Small na tinutukoy ni Taguba ay ang Councilor sa Davao City na kilalang malapit sa anak ng Pangulo na si Vice Mayor Paolo Duterte.

Nauna nang sinabi ni Taguba sa nakaraang imbestigasyon ng Senado na bukod sa isang alyas Small at Jack, nagbibigay rin sila ng tara o lagay sa isang Tita Nani.

Sa kaniyang sulat, sa Blue Ribbon, sinabi ni Trillanes na ang Tita Nani ay isang Lourdes Rosario na konektado rin sa Davao group.

Ulat ni: Mean Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *