Deadline ng registration para sa Brgy. at SK elections sa Abril 29 na – COMELEC

Ipinaalala ng Commission on Elections na bukas na muli ang kanilang mga opisina para ipagpatuloy ang pagtanggap ng mga aplikasyon ng mga magpaparehistro para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa darating na Oktubre, ngayong taon.

Pinaalalahanan na ng COMELEC ang publiko na magsadya sa kanilang mga tanggapan, mula alas 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon, dahil deadline na ng registration sa ika 29 ngayong Abril.

Ayon sa COMELEC, sa kasalukuyan,  nasa 2,174,601 na aplikasyon na para sa voters registration ang kanilang natanggap, mula noong Nobyembre 2016 hanggang Marso 2017.

Nauna nang inihayag ng poll body na tuloy ang kanilang paghahanda sa Barangay at SK elections sa Oktubre hanggang hindi nagiging batas ang muling pagpapaliban ng eleksyon.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *