Department of Foreign Affairs masusing minomonitor ang imbestigasyon sa isyu ng dengue vaccine

Masusi na minomonitor ng Department of Foreign Affairs ang imbestigasyon ng Senado at Department of Justice sa kontrobersyal na dengue vaccine.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, dito nila ibabatay kung magsasampa ng kaso o hihilingin na ire imburse ang 3.5 billion pesos na ginastos sa Dengvaxia.

Pagtiyak ni Cayetano hindi naman madedehado ang Pilipinas sakaling mapatunayan na peke at nagdulot ng masamang epekto ang gamot.

Itoy dahil may mga umiiral namang international at commercial law na maaring gamitin para habulin ang kumpanyang Sanofi Pasteur.

Sa ngayon mas pinatututukan aniya ng pangulo ang kalusugan ng mahigit pitongdaang libong mga batang nabigyan ng bakuna.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *