DOLE planong magsagawa ng job fair sa mga pinoy sa Middle East

Ikinakasa na ang Department of Labor and Employment ang job fair para sa mga Pilipino na nasa Middle East.

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang mga iaalok na trabaho sa job fair ay mga employment opportunity sa Pilipinas.

Gagawin anya ang job fair sa Qatar at Saudi Arabia.

Ayon sa kalihim, Labing- walong libong trabaho na karamihan ay sa construction industry ang iaalok

Posible anya na kuning trabahante ay mga karpintero, mason, welder, tubero at electrician.

Samantala, inihayag ni bello na naghahanap din ang Department of Education ng dalawang libong manggagawa na maaring kuning guro.

Kaugnay nito halos isang libong mga dating ofes ang mabibigyan ng trabaho bilang mga public school teacher sa ibat ibang panig ng bansa.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *