DOTR Undersecretary for rails Cesar Chavez nagresign

Nagbitiw na sa pwesto si Department of Transportation (DOTr) Undersecretary Cesar Chavez.

Ayon kay Chavez, irrevocable ang inihain niyang resignation.

Sinabi ni Chavez na nais niyang bigyan ng pagkakataon si Pangulong Duterte at si DOTr Sec. Arthur Tugade na makahanap ng mas kwalipikado para gampanan ang kaniyang tungkulin.

Ayon pa sa opisyal, ang mga aberyang nararanasan ng MRT-3 ang nagtulak sa kaniya na magbitiw sa pwesto.

Sinabi pa ni Chavez na kinausap muna niya ang kaniyang pamilya bago nagpasyang mag-resign .

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *