Draft BBL agad na ibibigay sa dalawang kapulungan ng Kongreso para pagtibayin ayon sa Malakanyang

Agad na ibibigay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa dalawang kapulungan ng kongreso ang draft ng Bangsamoro Basic Law o BBL.

Nakatakdang isumite ngayong hapon ng Bangsamoro Transition Commission o BTC kay Pangulong Duterte ang draft ng BBL sa Malakanyang.

Sinabi ni Presidential Adviser on the Peace Process Secretary Jesus Dureza na hihilingin niya kay Pangulong Duterte na sertipikahan na urgent bill ang BBL upang agad itong mapagtibay ng Mababang Kapulungan ng Kongreso at Senado.

Ayon kay Dureza umaasa siyang papasa na ito sa legal basis ng konstitusyon dahil nagsilbing leksyon ang unang BBL na ibinasura ng Korte Suprema.

Ulat ni: Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *