Duterte administration, marami pang dapat gawin para maipatupad ang mga reporma sa gobyerno – Abella

Marami pang dapat gawin ang Duterte administration para ganap na maipatupad ang mga makabuluhang reporma at pagbabago sa pamahalaan.

Ito ang reaksyon ni Presidential Spokesman Ernesto Abella kasunod ng inilabas na survey ng Social Weather Stations  mula Hunyo 23 hanggang 26.

Batay sa nasabing survey, pumalo sa +40 ang net personal optimism o positibo sa mga ginagawa ng pamahalaan habang positive 27 naman sa ekonomiya.

Giit ni Abella, may mga nagawa nang pagbabago ang administrasyong Duterte para sa marginalized at pinakamahihirap na sektor sa lipunan sa layuning maibaba ang antas ng kahirapan ng hanggang 40% sa taong 2022.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *