Enrollees para sa Senior High School, inaasahang mas dadami ngayong taon – DepEd

Inaasahan ng Department of Education o DepEd na mas marami ang mag eenroll sa Senior High School ngayong pasukan.

Ayon kay DepEd Undersecretary for Programs and Projects Dina Ocampo, tinatayang isa punto limang (1.5) milyong mga mag-aaral na naka-graduate sa Grade 10 ang papasok sa Senior High School.

Bilang paghahanda ay patuloy naman ang pagkuha ng DepEd ng karagdagang mga guro para sa grade 11 at 12.

Bukod dito sinisimulan na rin ang pagde-deliver ng mga kagamitang kakailanganin tulad ng mga libro at iba pang teaching materials at equipment partikular para sa mga subject ng Science at Math.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *