Evacuees sa Marawi City, papayagan ng Malacañang na mapuntahan ang kanilang dating tahanan.

Hindi hahadlangan ng Malakanyang ang mga bakwit sa Marawi City na makita ang kanilang mga tahanan na nasira ng digmaan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at mga teroristang Maute group.

Sinabi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar sa sandaling matapos na ang clearing operations ng militar sa mga improvised explosives device na itinanim ng mga terorista maaaring mapuntahan ng mga bakwit ang kanilang dating tirahan.

Ayon kay Andanar sa ngayon abala ang militar sa clearing operations para masiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan ng Marawi City.

Inihayag ni Andanar na nagsimula na ang pamamahagi ng mga temporary shelters habang inumpisahan na ang pagtatsyo ng mga permanent shelters sa ilang barangay sa lungsod ng Marawi.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *