Ex-BOC Chief Faeldon at iba pang dating opisyal hindi pa lusot sa kaso ng pagpapapuslit ng shabu kahit pa inabswelto na ng doj

Hindi pa lusot sa anumang kaso o pananagutan si Captain Nicanor Faeldon kahit pa inabswelto na ito ng Department of Justice sa pagpuslit ng 5.4 billion pesos na halaga ng shabu sa Bureau of Customs.

Ayon kay Senate President Koko Pimentel, hihingan nila ng paliwanag ang doj kung bakit napawalang sala ang mga opisyal gayong malinaw na nagkaroon ng sabwatan para mapalusot ang iligal na droga.

Nakakadismaya aniya na basta na lamang mapapwalang sala ang mga sangkot para mailabas sa customs ang mahigit animnaraang kilo ng shabu.

“Parang ang nakasuhan private citizen lang paano nangyri yun eh 600 shabu mahirap atang paniwalaan na walang cooperation from the inside. Bigyan natin ng chance na magpaliwanag ang DOJ sa senado formally or informally”.

Tiniyak rin ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon na hindi pa tuluyang lusot si Faeldon at iba pang dating opisyal ng BOC dahil ini-imbestigahan pa ng senado at Ombudsman ang kaso.

“Going on for seven years that’s what happen in one case napakasimple lang naman nyan I don’t know his face kung magsasabi lang sya sige haharap ako sumagot sya then I think he can go”.

Wala aniyang balak ang senado na palayain si Faeldon kahit pa mag-adjourn o magbakasyon na ang senado hanggat hindi ito nakikipagtulungan .

Si Faeldon ay kasalukuyang nakakulong sa senado matapos ipa contempt dahil sa pagtangging magsalita at humarap sa imbestigasyon ng shabu shipment.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *