Holiday season ceasefire sa NPA nasa kamay ni Pangulong Duterte – ayon sa Malakanyang

Tanging si Pangulong Rodrigo Duterte lamang ang makapagdedesisyon kung magpapatupad ng tigil -putukan ang tropa ng pamahalaan sa New People’s Army o NPA ngayong holiday season.

Sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na nagkausap na sina Pangulong Duterte at Defense secretary Delfin Lorenzana.

Ayon kay Panelo,  negatibo ang posisyon ng Defense Department sa pagdedeklara ng ceasefire dahil hindi naman seryoso ang NPA at nagagamit lamang ito para sa recruitment at propaganda ng mga rebeldeng komunista.

Hanggang ngayon ay wala pang desisyon si Pangulong Duterte kung tatapatan ang unilateral ceasefire na idineklara ng NPA.

 

Ulat ni Vic Somintac 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *