Ilang flights, kanselado ngayong araw dahil sa masamang panahon

Kanselado ang ilang biyahe ng eroplano ngayong araw, Pebrero 9.

Sa abiso ng Manila International airport authority o MIAA, kanselado ang biyahe ng Cebu Pacific 5J 506 -Manila to Tuguegarao at 5J 507- Tuguegarao to Manila.

Sanhi ito ng hindi magandang panahon na nararanasan sa bahagi ng Cagayan Valley.

Pinapayuhan ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa airline company para sa rebooking ng flights o refund ng pamasahe.

 

===  end  ===

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *