Iloilo City drug free na – Mayor Mabilog

Binigyang diin ni Iloilo City Mayor Jed Mabilog na drug free ang kanilang lungsod.

Sa panayam ng Saganang Mamamayan, sinabi ni Mabilog , handang siyang makipagkaisa sa isasagawang imbestigasyon matapos bansagan na isang “shabulized” City ang Iloilo.

Sa katunayan aniya kaisa ang kanilang lungsod na sumusuporta sa kampanya ng Pangulo kontra droga .

Malaki na aniya ang pagbabago ngayon sa Iloilo mula sa pagiging shabulized City dahil maraming ahensya ng pamahalaan ang kanilang katuwang para masugpo ang operasyon ng illegal drugs sa kanilang lungsod .

“Dito po makikita na natin ang malaking pagbabago ng lungsod ng iloilo . kahit po ang mga taga iloilo ay makakapagsabi na hindi na po most shabulized city ang iloilo dahil sa strict implementation against illegal drugs”. – Mayor Mabilog

Ginawa ni Mabilog ang pahayag matapos sabihin ni Pangulong Duterte na may ilang alkalde pa rin ang umano’y may kinalaman sa pagbibigay-proteksyon, kalakalan, at paggamit ng iligal na droga.

Ulat ni: Marinell Ochoa

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *