Imbestigasyon ng Senado sa pag-okupa ng KADAMAY sa Pandi, Bulacan housing project aarangkada na ngayong araw

Aarangkada na ang pagdinig ng Senado ngayong araw sa ginawang pagkubkob ng grupong KADAMAY sa pabahay para sa mga pulis at sundalo sa Pandi Bulacan.

Itoy kahit natapos na ang ginawang stand off ng mga miyemro ng grupo.

Ayon kay Senador JV Ejercito, Chairman ng Senate Committee on Housing and Resettlement, kailangang malaman kung sino ang dapat managot at bakit napabayaang nakatiwang-wang ang mga housing unit.

Nais ni Ejercito na pagpaliwanagin ang mga opisyal ng National Housing Authority kung paanong napasok ang mga housing unit na para sa mga pulis at sundalo.

Aalamin rin aniya ng Senado kung ano na ang nangyari sa mga proyektong pabahay ng gobyerno para sa mahihirap at bakit umaabot pa sa mahigit animnapung libo ang mga hindi naipapamahaging housing units.

Hihingan rin aniya nila ng paliwanag ang PNP at AFP kaugnay ng utos ng Pangulo na ipaubaya na sa mga miyemro ng kadamay ang kanilang pabahay.

Ulat ni: Mean Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *