Impeachment complaint laban kay Pang. Duterte wala daw aasahang pasabog sa oras na sumalang na sa Kamara

Naniniwala si House Deputy Speaker Raneo Abu na agad ring mababasura ang impeachment complaint laban kay Pang. Rodrigo Duterte.

Ayon kay Abu, walang aasahang fireworks o pasabog sa oras na maisalang na sa House Justice Committee ang impeachment complaint.

Siguradong ibabasura lang naman aniya ito ng mga kaalyado ng Pangulo dahil sa kawalan ng basehan.

Giit ni Abu ang popular na lider ang Pangulo at nakita naman ng lahat kung gaano ito kadedikado sa pagtupad sa kanyang pangako na pagsisilbihan lalo ang mga mahihirap na Pilipino.

Ngayong linggong ito inaasahang maire-refer sa House Justice Committee ang impeachment complaint laban kay Pang. Duterte na inihain ni Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano.

Ulat ni: Madelyn Villar – Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *