Independencia Pilipinas, nagprotesta vs. UN envoy Agnes Callamard

Nagmartsa ang grupong Independencia Pilipinas patungong United Nations office sa RCBC Centre sa Makati City bilang pagpapahayag ng kanilang pagkondena sa naging pagbisita niUN Rapporteur Agnes Callamard.

Pinangunahan ni Boy Saycon ang rally kung saan tahasan nitong sinabi na bias at walang basehan ang mga pahayag ng UNHRC patungkol sa isyu ng EJK sa Pilipinas.

Giit ni Saycon, sa mahigit sampung buwan pa lamang ng Duterte administration ay masyadong maaga para sabihin ng UN Rappooteur na bigo ang pamahalaan sa kampanya sa war on drugs at laganap ang human rights violations.

Hindi aniya  pinag aralang mabuti ng UNHRC ang kalagayan ng talamak na iligal na droga sa bansa.

Samantala,  minana lang  ito ni Pangulong Duterte sa mga nakaraang administrasyon, at bakit tila kinakalimutan na ang mga unsolved case gaya ng Mamasapano massacre at mga kaso ng media killings sa bansa.

Nais rin ng grupo na ideklarang persona non grata si UN envoy Agnes Callamard dahil sa pagsira nito sa magandang imahe ng Pilipinas sa International community at kailangang magpublic apology ito.

Panawagan nila sibakin na o i-disqulify si Callamard bilang isa sa mga UN Rapporteur.

Kasabay ng rally nagpasa ang grupo ng manifesto sa tanggapan ng UN.

Ulat ni: Gerald Rañez

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *