Indonesian terrorist na kasama sa bakbakan sa Marawi City, ipinagharap ng mga kaso sa QC prosecutors office ..

Sinampahan na ng PNP ng reklamong rebelyon at iba pa sa National Prosecution Service ng DOJ ang nadakip na Indonesian terrorist na sinasabing kasama ng Maute group na nakipaglaban sa tropa ng pamahalaan sa lungsod ng Marawi.

Isinailalim sa inquest proceedings sa Quezon City Prosecutors Office si Mohammad Ilham Syahputra para sa kasong rebelyon at mga paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Act, law on explosives at sa International Humanitarial law.

Sinabi ni Senior Deputy State Prosecutor Richard Anthony Fadullon na submitted for resolution na ang mga kaso laban sa dayuhan.

Naaresto ang Indonesian nitong Miyerkules sa Brgy. Loksadatu sa Marawi City habang papatakas.

Nakumpiska kay Syahputra ang isang kaibre 45 baril, granada, mga foreign currencies,passport,tablets at cellphone.

Ayon sa kanya, dumating siya sa bansa noong Nobyembre 2016 matapos imbitahan ni Abu Sayyaf group leader at ISIS Southeast Asia leader Isnilon Hapilon.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *