Isa pang ang opisyal ng BOC, nagbitiw sa pwesto

Isa pang opisyal ng Bureau of Customs ang naghain ng resignation letter kasunod ng isinagawang imbestigasyon ng Kamara at Senado sa p6.4 bilyong nakumpiskang shabu sa Valenzuela City.

Ilang araw matapos ang pagdalo sa pagdinig ng House Ways and Means Committee kaugnay sa illegal drug shipment, nagbitiw na sa kanyang tungkulin bilang BOC-Customs Intelligence and Investigation Service Director si Neil Estrella.

Ayon kay Estrella, ginawa nito ang pagbibitiw sa tungkulin dahil sa delicadeza matapos mabahiran ng dumi ang pagkatao nito dahil sa nasabing kontrobersial na kargamento.

Una nang nagbitiw si Import Assessment Dir. Milo Maestrecampo na kabilang sa tinuro ng Customs broker na si Mark Ruben Taguba II na tumanggap ng payola.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *